Kay sarap mabuhay lalo na kung may Dios kang kasama. Alam mong sa bawat gawang ginagawa mo may naka-gabay sa iyo.. sa bawat balak na iniisip mo may Dios na nag-aayos nito, sa bawat problemang dumarating sa iyo may tulong na darating sa iyo, sa bawat hirap na dinaranas mo alam mong may kapalit ito. Sa tuwing wala kang masusulingan mayroon kang alam na pwede mong malapitan, sa tuwing sa tingin mo'y ika'y nag-iisa mayroong nag-papaalaala. Sa tuwing ikaw ay nalulungkot may mang-aaliw sa iyo, sa tuwing ikaw ay lumuluha mayroong kang pag-asa.. pag-asang nagbibigay saya, dito sa buhay na puno ng pangamba.. Kaya hanggang makakaya, ibigay ang lahat nating magagawa.. sapagkat kahit buhay ialay mo pa, di sapat sa pag-ibig NIYA.